Post by Kr0max07 on Jan 16, 2009 11:39:39 GMT 8
The Ate Iris Story
by: lagsh
www.peyups.com/article.khtml?sid=4216
Ito ang nakasulat sa harapan ng isang sulat na naiwan ng katulong namin dati. Walong buwan siyang tiniis ng Ermatz ko sa alat ng luto, paninira ng damit sa paglaba, at pagnakaw ng kung anu-ano.
To: Jun
Smile Before You Open
From: Irish

Kasalanan na rin siguro ni Ermatz. Binalaan na siya mismo ng ina nung katulong, pero pinasok pa rin sa bahay. Mahaba ang pasensiya ni Ermatz at may respeto siya sa kahit sinong tao. Malumanay lamang siya kung magpagalit.
Patuloy pa rin ang nakapapanginig at nakapantutunaw-pantog na alat sa luto, mga kagamita’t pagkain na tinatangay marahil ng mga duwende, mga sukli sa pinamalengke na hindi na nababalik, at mga puti-puti at himulmol sa mga mamahaling damit. Isang araw, napuno ang Ermatz ko kaya pinagalitan na niya si Ate Iris/Irish. Ito namang katulong na ito ay lumaban pabalik nang pasigaw, may kasamang dabog pa sa kusina. Lagi na lang daw siya ang mali. Lagi na lang daw maalat ang luto niya. Lagi na lang daw mali ang pagkalaba ng mga damit.
E totoo naman e. Kaya anong ginawa ni Ermatz? You’re fired!
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkayayahan, narito ang nilalaman ng liham na naiwan ng isang mapangahas na katulong. Dito niyo lamang ito mababasa. Ang orihinal na kopya ay nasa aking kamay. Wala akong binago sa nilalaman maliban sa ilang mga punctuation mark na siningit ko, dahil minsan nawawalan ng konsepto nito si Ate Iris/Irish. Sa pagbasa ng nilalaman, nawa'y mas makuha nating maintindihan ang sentimiyento o takbo ng pag-iisip ng dalaga.
Ang liham ay kumakausap sa isang lalaking nagngangalang Jun/June, na aming pinaghihinalaang lalaki niya. Dahilan siguro kung bakit iilan sa mga damit, jacket, at kupya ko ay nawawala na parang bula.
August 3, 2005
Wednesday
1:41 pm
“June,
“Pasensiya ka na if dinaan ko na lang sa sulat kase wala kang “cell phone” kaya sulat na lang?!
“Gusto ko lang malaman mo na basta pinalo-load mo ako palage or kung minsan chaka maipakita mo talaga na siryoso ka saken, may pag-asa na sagutin kita pero di pa ngayon kase nanliligaw ka pa lang saken di ba?! Huwag mong isipin na nagbibiro ako. Siryoso ako, walang halong biro.
“Siya nga pala, gusto ko lang sabihin sayo na iwasan niyo na si Kathy kase napaka-plastic niya. Huwag na huwag kayong magtitiwala sa kanya. Pakisabihan mo na rin si “Russel,” okey?!
“Kapag hindi niyo siya iniwasan di ko na kayo kakausapin kahit kailan. Chaka ko na lang sasabihin ang dahilan kapag nag-usap tayo ulet ng personal pero di pa ngayon. Siguro kapag nakatakas ako ulet sa boss ko, pero di ako puwedeng magpagabe. Baka mawalan ako ng trabaho.
“Pero minsan abangan u me. Sa garahe ako. Kung minsan mga alas dos i media nasa garahe ako. Kung minsan naiinip kase ako sa loob chaka kung may gusto kang sabihin idaan mo na rin sa sulat, eh? Wala ka kaseng “cell phone.”
“Kapag alas dos i media, u mag-abang dito sa gate namen okey?! Ingat u palage chaka wag ka sanang magbago.
“Take care always! God bless you.”
Always,
Iris.
Sa ngayon, ang bago naming katulong ay si Ate Myrna. Feeling ni Ermatz, magtatagal siya sa amin. Hindi raw magkakaproblema kasi mukhang matino at masipag magtrabaho itong si Ate Myrna.
Pang-ilang beses nang nasabi iyon ni Ermatz tuwing may bagon katulong.
* * * * * * *
This article is from Peyups.com - The UP Online Community